Anakalusugan Logo

sa anakalusugan una ang kalusugan

alagaan natin ating kalusugan

About Anakalusugan

Ang Anakalusugan (mula sa Alagaan Natin Ating Kalusugan) ang nag-iisang party-list group na tumatakbo para sa darating na midterm elections sa Mayo na nagsusulong ng adbokasiya ukol sa Kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino.

Tayo ay nasa gitna ngayon ng isang Krisis ng Kalusugan o “Health Crisis”:

Batid ang katotohanan ng health crisis na kinakaharap ng mga Pilipino, narito ang mga solusyon na isinusulong ng Anakalusugan:

  1. Tanggalin ang 12 percent Value Added Tax sa vitamins at sa lahat ng maintenance medicines kagaya ng para sa hika, hindi lamang ang para sa diabetes, hypertension at mataas na cholesterol.

  2. Magpasa ng batas na titiyaking hindi papatawan ng VAT ang health insurance premiums ng higit 6 milyong manggagawang Pilipino.

  3. Gawing “regular” at sapat ang allowance at benepisyo ng mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) na nagsisilbing force multipliers ng Department of Health, lalo na sa mga lugar na walang pampublikong doktor.

  4. Iparehistro lahat ng may kapansanan (PWDs) para lubos nilang mapakinabangan ang mga benepisyo bilang PWD cardholder.

  5. Palakasin ang mandato ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care sa pagsulong ng traditional at alternative na medisina.

  6. Tiyaking may nakalaan na parte ng Internal Revenue Allotment ng mga lokal na pamahalaan na hindi bababa sa 5 porsyento para sa health at nutrition services.

Walang pinipiling katayuan sa buhay o kulay politikal ang usapin ng kalusugan – mayaman man o mahirap, bata man o matanda, lahat ng mga Pilipino.

Alagaan natin ating kalusugan!

Partners