Anakalusugan Logo

sa anakalusugan una ang kalusugan

alagaan natin ating kalusugan

Epekto ng Sobrang Pag-inom ng Alak

Facebook
Twitter

March 26, 2019

Ang sobrang pag-inom ng alak ay ang pang-lima sa nangungunang factor ng premature death at mga disability. Sinasabing ang pagiging alcoholic ng isang tao ay maaring nagsimula sa pamilya at sa kapaligiran na pinaninirahan. Ayon naman sa psychoanalytic theory, ang pagiging alcoholic ng isang tao ay dala ng matinding hangarin na makalimot sa stress at mga problema subalit ang labis na pagkahumaling rito ay nagdudulot pa rin ng masamang epekto sa kalusugan.

 

Narito ang ilan sa mga ito:

A. Nakaka-apekto ito sa utak. Dahil sa alcohol nahihirapan ang communication pathways ng utak na mapagana ito ng maayos dahilan upang tuluyan nitong maapektuhan ang behavior at mood ng isang tao.

B. Pagkasira ng atay. Nagdudulot ang alak ng pamamaga ng atay ng steatosis, alcoholic hepatitis, fibrosis, at cirrhosis. Sa isang pag-aaral, pang-lima ang liver cancer sa common cancer na tumatama sa mga lalaki, at pang-siyam naman sa mga kababaihan. Nakakabahala!

K. Sanhi ng alcohol-associated cancer. Ayon sa pag-aaral ng National Toxicology Program of the US Department of Health and Human Services, mas mataas na consumption ng alak, mas mataas din ang risk sa pagkakaroon ng alcohol-associated cancer tulad ng Head and neck cancer, Esophagal cancer, Liver cancer, breast cancer, at colorectal cancer.

Ang umiinom ng alak na may approximately 3.5 drinks ay mayroong 1.5 times risk na magkaroon ng colorectal cancer.

D. Pagbagsak ng immune system. Ang sobrang pag-inom kahit sa iisang okasyon ay nakakapagpabagal ng ability ng katawan na gumaling sa anumang infection dahilan upang mas madaling tamaan ng common na sakit tulad ng pneumonia at tubercolosis.

E. Heart damage. Ang sobrang pag-inom ng alak ay nagdudulot ng heart disease tulad ng cardiomyopathy, arrhythmias o irregular heartbeat, stroke, at high blood pressure. Sa tala ng World Health Organization, pumapatay ang stroke ng 6.2 milyong tao kada taon.

 

Ikaw? Ipagpapatuloy mo pa rin ba ang pag-inom ng alak?