Anakalusugan Logo

sa anakalusugan una ang kalusugan

alagaan natin ating kalusugan

Klinika Ng Bayan: Pangunahing Solusyon Na Pangkalusugan

Facebook
Twitter

January 23, 2019

Isa ka ba sa mga Pilipinong hindi regular na nakakapagpatingin sa doktor dahil sa kawalan ng pera o kakulangan ng malapit na ospital o pasilidad na medikal?

O di kaya’y hindi ka makapag-diagnostic test para makaiwas sa sakit habang maaga pa or matukoy nang tiyak ang karamdaman?

Hindi ka nag-iisa. Ito ay problema ng milyun-milyong Pilipino sa buong bansa. Ayon sa Department of Health, halos 60 porsyento ng mga Pilipino ang namamatay ng hindi man lang nakakapagpatingin sa doktor.

Ano ang solusyon?

Ang Anakalusugan — ang nag-iisang partido na isinusulong ang kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino — ay nagtatag ng Klinika ng Bayan sa Batangas ilang taon na ang nakakalipas.

Ang Klinika ng Bayan ay isang pasilidad pangkalusugan na naglalayong padaliin ang access ng mga Pilipino sa diagnostics o blood tests at mga pangunahing gamot at serbisyong medikal.

Nais ng Anakalusugan na magtayo ng 200 pang Klinika Ng Bayan sa iba’t-ibang parte ng bansa, lalo na sa mga lugar na halos di naabot ng tulong ng gobyerno.

Ang usaping pangkalusugan ay hindi lang usapin na pang-eleksyon.Walang pinipiling katayuan sa buhay o kulay politikal ang usapin na ito — kaya marapat lamang na Alagaan Natin Ating Kalusugan!

Paano ka magiging kaisa sa adhikain na ito?

Suportahan mo ang Anakalusugan! SIGN UP!