Anakalusugan Logo

sa anakalusugan una ang kalusugan

alagaan natin ating kalusugan

ABKalusugan

Tips para maiwasan ang constipation

Facebook
Twitter

April 23, 2019

A. Kumain ng pagkain na mayroong fiber gaya ng prutas, gulay, at grains. Ang ating stool ay binubuo ng mga bacteria, kaya naman ang fiber ang magbibigay ng lugar kung saan lalaki at dadami ang bacteria na magreresulta sa madaming volume ng dumi at maayos na bowel function.

B. Uminum ng maraming tubig. Maaari rin uminum ng carbonated water dahil nakakatulong rin ito na maisaayos ang bowel movement.

K. Uminum ng caffeinated coffee. Sa isang pag-aaral ang epekto ng kape ay 60% na mas epektibo sa pagstimulate ng gut kaysa sa drinking water at 23% na mas mataas naman sa caffeinated coffee. Mayroon din itong soluble fibers na nakakatulong sa pag-improve ng balance ng inyong gut bacteria.

D. Kumain ng mga probiotic foods o di kaya ay uminum ng probiotic supplements. Ang probiotics ay maaaring makatulong na maiwasan ang chronic constipation kaya naman ang pagkain ng mga pagkain na it, tulad ng yogurt, at kimchi ay epektibong nakakatulong sa pagpapabuti ng gut movements.

E. Uminum ng Over-the-counter or prescription laxatives. May iba’t ibang klase ng laxatives na maaaring irecommend gaya na lamang ng bulking agent (pampataas ng water content ng stool) , stool softener (naglalaman ng oil upang mapalambot ang stool) , stimulant laxative (upang ma-stimulate ang nerves sa gut at maisaayos ang bowel movement), osmotic laxative (pinapalambot ang stool sa pamamagitan ng paghila ng tubig mula sa surrounding tissues papunta sa digestive system). Huwag lamang inumin ang mga ito on a regular basis hanggat wala pang rekomdasyon ng doktor.Ang lahat ng nabanggit na tips ay mga paraan lamang upang makatulong na maiwasan ang pagkakaroon ng constipation. Mas mainam pa rin ang pagkonsulta sa mga ekspertong doktor sakaling makaranas nito upang tiyak at mapabilis na ang paggaling.