Anakalusugan Logo

sa anakalusugan una ang kalusugan

alagaan natin ating kalusugan

ABKalusugan

Tips Para sa Healthy Kidney

Facebook
Twitter

April 2, 2019

A. Uminom ng walong basong tubig. Kailangan ng kidney ng sapat na tubig upang matanggal nito ang toxins, waste products, at mga unwanted compounds sa dugo. Dahil sa sapat na tubig, maaayos nito ang function ng kidney.

B. Inumin lamang ang mga recommended medicine ng doktor. Mag-ingat sa mga gamot na sa katagalan ng pag-inom ay nakakasira sa kidney. Occasional use ng gamot para sa pamamaga at pain control ay maaari ngunit dapat ay panatilihin ang paggamit nito sa loob lamang ng 2 linggo at dosage na under 800 mg daily.

K. Umiwas sa pag-inom ng alcohol. Ang sobrang pag-inom ng alak na kilala sa pagkakaroon ng ethanol, isang carcinogen, ay associated sa mga iba’t ibang uri ng cancer at organ damage. About 4-5 drinks sa loob ng mga ilang oras ay maaaring makapagpataas ng blood alcohol levels na nagdudulot ng kidney shutdown o ang condition na acute kidney injury.

D. Bawasan ang pagkain ng mga maaalat dahil ito ay nakapagpapataas ng blood pressure. Ang isang tao ay dapat na mag-consume lamang ng hindi lalagpas sa 2,300 mg of sodium per day kung healthy ang kidney at less than 1,500 mg naman kung mayroon kang kidney dysfunction o high blood pressure.

E. Itigil ang paninigarilyo dahil nakakasama ito sa pagdaloy ng dugo sa iba pang mga organ sa pamamagitan ng pagbabara rito. Ang pagbara sa daloy ng dugo ay nakakapagpataas ng risk sa highblood pressure na nauuwi sa kidney failure.

Isa kada oras ang namamatay sa kidney failure at kada taon ay mayroong 7,000 Pilipinong nagkakaroon nito, ayon yan sa tala ng Department of Health.

Gugustuhin mo pa bang isawalang bahala ang kalusugan ng kidney mo?