Anakalusugan Logo

sa anakalusugan una ang kalusugan

alagaan natin ating kalusugan

Tunay Na Bayani

Facebook
Twitter

April 10, 2019

Walang tiyak na sahod. Walang security of tenure. Walang sapat na allowance at benepisyo.

Pero sila ang pangunahing nangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino, lalo na sa mga liblib na lugar na hindi naaabot ng mga pampublikong doctor.

Sila ang mga barangay health workers at barangay nutrition scholars – ang mga bagong bayani ng ating bansa na may pinakamalaking responsibilidad sa pangangalaga ng kalusugan ng ating mga mamamayan.

“Ngayong Araw ng Kagitingan, ang Anakalusugan ay nagbibigay pugay sa ating mga bagong bayani – ang ating mga barangay health workers at barangay nutrition scholars na tumatayong pangunahing katuwang ng gobyerno sa paghatid ng serbisyong medikal at pagsiguro ng kalusugan ng ating mga kababayan,” ani Anakalusugan party-list nominee Mike Defensor.

“Pero sino ang mag-aalaga sa ating mga unsung heroes? Nais ng Anakalusugan na siguraduhin ang tamang pasahod para sa mga barangay health workers at barangay nutrition scholars. Kailangang magkaroon ng minimum allowance para sa kanila at matiyak na hindi nakasalalay sa pulitika ang kanilang trabaho,” dagdag pa ni Defensor.